Ano nga ba ang tinatawag na Asynchronous
E-learning? Ano kaya ang kaibahan nito sa Synchronous E-learning? Mayroon ba
itong Adbentahe at disbentahe sa mga nais matuto na gaya mo? Halika! At ating
alamin. Ang Asynchronous E-learing at Synchronous E-learning ay parehong
ginagamitan ng makabagong teknolohiya na tinatawag nating “computer”. Ang mga
programa at mga aplikasyon na nakapaloob dito ang siyang nagiging daan upang
magkaroon ng tinatawag nating asynchronous at synchronous e-learning. Ang Asynchronous e-learning ay ang
ginagamitan ng ibat-ibang programa sa computer kung saan maaari silang matuto
kahit ano pa mang oras nilang gustuhin. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng
E-mail at mga Group Site na kung saan maaaring isend o ipost na lamang ang mga
dapat aralin at sagutin ng mga mag-aaral. May mga online education din na
maaaring pasukan kung saan maaaring matuto sa panahon nais mo. May pagkakataon
ka ding ulit-ulitin ang mga aralin kung hindi naunawaan dahil mayroong
nakahandang mga modyul para sa mga programang ganito. Ang Synchronous
e-learning naman ay sinusuportahan din ng medya tulad ng video conference at
chat kung saan dapat ay may schedule at sabay-sabay ang pag-o-online ng mga
mag-aaral. Magtatakda ng oras upang magkitakita gamit ang teknolohiya ang mga
mag-aaral. Sa ganitong pagkakataon ay maaaring makapagtanung-tanong ang mga
mag-aaral sa kanilang guro sa mga araling kanilang kinalilituhan.
Sa
paaralang aking kinalalagyan upang mag-obserba ay napansin kong walang ganitong
uri ng programa o gawi na maaari din sanang makatulong sa mga ma-aaral sa
tuwing sila ay wala sa paaralan. Mayroon silang aveylabol na silid kung saan
may pagkakataon silang makapagmanipula ng computer at magkaroon ng sapat na
ekspiryens na makagamit nito.
Ngunit
ang ganitong uri ng pag-aaral ay maroon din disbentahe at adbentahe para sa mga
mag-aaral. Ano ng aba ang disbentahe ng
asynchronous at synchronous e-learning? Dahil nga sa ginagamitan ito ng
makabagong teknolohiya, ang mga mag-aaral ay nababawasan ang pagkakataon
makakilala ng mga kaibigan at mga kasama o sa madaling sabi nakakaapekto ito sa
socialization ng mga mag-aaral. Hindi rin lahat ng mga lugar dito sa ating
bansa ay mayroong sapat na signal ng network upang magawang makatugon sa nararapat
na gawin kung isasagawa ang e-learining. Sa kabilang banda, sa tulong ng
asynchronous at synchronous e-learning ay makakatipid tayo sa oras. Kung nais
mo din ipagpatuloy ang nahinto mong pag-aaral magagaawa mo na. Maaari ring
paulit-ulit nap ag-aralan ang mga aralin na hindi nakuha.At patuloy padin ang
pagtuklas sa mga programang ito.