Martes, Oktubre 14, 2014

       Ano nga ba ang tinatawag na Asynchronous E-learning? Ano kaya ang kaibahan nito sa Synchronous E-learning? Mayroon ba itong Adbentahe at disbentahe sa mga nais matuto na gaya mo? Halika! At ating alamin. Ang Asynchronous E-learing at Synchronous E-learning ay parehong ginagamitan ng makabagong teknolohiya na tinatawag nating “computer”. Ang mga programa at mga aplikasyon na nakapaloob dito ang siyang nagiging daan upang magkaroon ng tinatawag nating asynchronous at synchronous e-learning. Ang Asynchronous e-learning ay ang ginagamitan ng ibat-ibang programa sa computer kung saan maaari silang matuto kahit ano pa mang oras nilang gustuhin. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng E-mail at mga Group Site na kung saan maaaring isend o ipost na lamang ang mga dapat aralin at sagutin ng mga mag-aaral. May mga online education din na maaaring pasukan kung saan maaaring matuto sa panahon nais mo. May pagkakataon ka ding ulit-ulitin ang mga aralin kung hindi naunawaan dahil mayroong nakahandang mga modyul para sa mga programang ganito. Ang Synchronous e-learning naman ay sinusuportahan din ng medya tulad ng video conference at chat kung saan dapat ay may schedule at sabay-sabay ang pag-o-online ng mga mag-aaral. Magtatakda ng oras upang magkitakita gamit ang teknolohiya ang mga mag-aaral. Sa ganitong pagkakataon ay maaaring makapagtanung-tanong ang mga mag-aaral sa kanilang guro sa mga araling kanilang kinalilituhan.

                Sa paaralang aking kinalalagyan upang mag-obserba ay napansin kong walang ganitong uri ng programa o gawi na maaari din sanang makatulong sa mga ma-aaral sa tuwing sila ay wala sa paaralan. Mayroon silang aveylabol na silid kung saan may pagkakataon silang makapagmanipula ng computer at magkaroon ng sapat na ekspiryens na makagamit nito.


                Ngunit ang ganitong uri ng pag-aaral ay maroon din disbentahe at adbentahe para sa mga mag-aaral.  Ano ng aba ang disbentahe ng asynchronous at synchronous e-learning? Dahil nga sa ginagamitan ito ng makabagong teknolohiya, ang mga mag-aaral ay nababawasan ang pagkakataon makakilala ng mga kaibigan at mga kasama o sa madaling sabi nakakaapekto ito sa socialization ng mga mag-aaral. Hindi rin lahat ng mga lugar dito sa ating bansa ay mayroong sapat na signal ng network upang magawang makatugon sa nararapat na gawin kung isasagawa ang e-learining. Sa kabilang banda, sa tulong ng asynchronous at synchronous e-learning ay makakatipid tayo sa oras. Kung nais mo din ipagpatuloy ang nahinto mong pag-aaral magagaawa mo na. Maaari ring paulit-ulit nap ag-aralan ang mga aralin na hindi nakuha.At patuloy padin ang pagtuklas sa mga programang ito.